Miyerkules, Setyembre 7, 2011

Ang Aking mga natutunan noong Buwan ng Wika at Araw ng mga Bayani

Ngayong buwan ng Wika ay marami akong natutunan tungkol sa iba't-ibang sayaw ng

bawat rehiyon sa Pilipinas.Bawat mga sayaw sa mga bawat rehiyon ay nalaman kong napaka-

yaman pala nang ating mga kultura.Dito pinapakita pa lamang ang kagandahan nang ating

sariling bansa.Pagdating na lamang sa iginawad na sabayang pagbigkas ay marami tayong

napulot na aral tungkol sa kahalagahan ng ating sariling wika at sarili nating bayan.Ikanga nga

nang ating pambansang bayani “Ang hindi magmahal sa sariling Wika ay masahol

pa sa isang malansang isda”,kaya naman bilang isang mamayanang Pilipino ay mainamabuti

kong maging isang kasapi para sa pag-unlad ng ating bansa kahit sa mga simpleng bagay

na maaari nating maipagmalaki sa mga ibang dayuhan.

Napaka gandang pakigan na ang ating bansa ay kabilang na din sa pag-unlad pagdating

na lamang sa mga isports,pagkanta at iba pa.Ipinapakita lang nating mga Pilipino na

marami tayong mga angking kakayanan at mga talento na nagiging bunga nang pag-unlad nang

ating bansa.Ang pagmamahal sa sariling atin ay pagmamaha na rin sa gawa nang ating

Poong Mayakpal.

Ngayong Araw nang ating mga bayani ay dito pumapasok ang mga naiambag nang

ating mga bayani.Marami silang mga adhikain na gustong mangyari sa ating bansa, kaya naman

laking pagmamahal nila sa ating bansa lalo na nang nakamit nang mga Pilipino ang kanilang

pinaka minimithing kalayaan sa loob nang mga nagdaang buwan at taon na kanilang ginugol sa

pakikipag-sagupaan laban sa mga dayuhan.Tayong mga Pilino ay kabilang sa mga taong

mapalad na nagkaroon nang sariling kalayaan at malaya na nating naipapahayag ang ating

mga sariling saloobin at ating sariling damdamin.

Tayo bilang tao ay maari rin tayong maging isang bayani.Hindi na natin kailangan pang

makipaglaban sa pamamagitan nang paggamit nang dahas,sapagkat maari tayong maging isang

ganap na bayani sa pamamagitan na lamang nang paggawa nang ikakabuti sa ating kapwa at lalo

na sa ating bansa.Ang kabataan ay ang pag-asa nang ating bayan kaya naman kumilos tayo para

sa pagbabago at ikauunlad nang ating bansa.Ipagmalaki natin na isa tayong Pilipino hindi lamang

sa salita kundi na rin sa ating sariling gawa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento